Best Poem of Ocean MisT

Noon Pa`
Noon pa bago isilang ang mga bituin
Noon pa bago unang umihip ang hangin
Noon pa bago ang dagat ay lumalim
Noon pa bago natatag ang bulubundukin

Noon pa bago lumipad ang mga ibon
Noon pa bago gumuhit ang kahapon
Noon pa bago uminit ang apoy
Noon pa bago ang ilog ay dumaloy

Noon pa bago . . .
Read the full of Noon Pa`
Luha`
Noong una kang makita'y luha'y umaagos
ang iyong mga luha'y sa mata'y umaanod
sa aking damdami'y sumuot tumagos
ang basag mong boses ang tinig mong paos

Ang iyong pighati pilit kong wawakasan
iaalay ang bituin susukitin ang buwan
hahawiin ang alon sa karagatan
sisindihan ang liwanag sa karimlan
Read the full of Luha`